Friday
Bakit ka excited kapag friday? Kapag nag post ka sa facebook sabay status pa ng #TGIF o Thanks God Its Friday! Ano bang meron tuwing friday na dapat ika saya natin, dahil ba weekend nanaman at wala ng pasok kinabukasan o kaya dahil makakapag pahinga nanaman?
Ako, bilang isang estudyante masaya ako dahil makakauwi ako sa amin dahil wala nanamang pasok. May time nanaman para gumala at mag walwal kasama ang mga tropa at kahit gasgas na ang lugar na laging nyong tambayan ay okay lang dahil masaya kang kasama mo sila. Saan man mapadpad ang inyong mga paa ay ayos lang dahil hindi mo ramdam ang pagod kahit malayo na pala ang inyong napuntahan.
Oo, malayo na pala ang ating napuntahan, kaya siguro hindi ko na alam kung kayo ay nasaan at nagsawa na ata sa pagmumukha ng bawat isa. Ngayon ay ako na lamang mag-isa ang naglalakad sa daan, kapag kasi nag chat ang ibang tropa seen na lang palagi ginagawa nila. Gusto ko man magdiwang tuwing Friday pero di ko magawa kasi alam kong uuwi lang naman ako sa bahay at doon tutunganga at kapag may chat kayo sa group chat natin ay puro seen na lang ako kasi alam kong drawing lang naman kayo.
Sa buong week ay masaya naman ako sa school dahil may bagong tropa manam akong nakakasama at nakilala. Sila yung tinuturing kong mga kapatid sa school, nandiyan yung matanda samin na tumatayong kuya saamin, yung ka birthday ko na parang kakambal ko ang dating kasi pareho kami ng kaarawan at yung isa naman dahil sya ang pinaka bata saaming apat ay siya ang bunso sa amin. Kahit magkakaiba kami ng lugar ay pinagtagpo naman kami ng tadhana sa school.
Pero Friday nanaman, ang araw na kung saan ay pinaka malungkot ako. Feeling ko tuwing friday ay mag-isa lang ako, mag-isa nanaman ako at parang ayaw sa akin ng ibang tao. tuwing friday kaming apat ay mag hihiwa-hiwalay nanaman, di sabay kakain at hindi rin sabay aalis sa school kasi tuwing friday may kanya kanyang agenda silang tatlo. Ayos lang naman sakin yun kasi may iba iba naman kaming buhay. Masaya naman ako kasi makakauwi nako saamin at makakasama ko na sila mama pero nakakalungkot lang kasi ang mga tropa mo na kadikit ng bituka mo ay hindi mo naman makakasama at nag kanyakanya na sila. Masarap kapag marami kang kaybigan lalo na mahabang panahon na ang inyong pinagsamahan pero masakit din kapag marami nang nang-iwan.
Ang buhay ay hindi puro saya, may mga pag-subok na darating para hubugin at subukan ka kung hanggang kaylan ang kaya mo dahil sa buhay mag-isa ka lang na ipaglalaban ang buhay mo. Matutu kang maging independent at wag palaging dependent sa iba dahil mas masarap mag tagumpay sa buhay pag alam mong nagawa mo itong mag-isa at ang iba ay nandiyan nga sila pero bilang inspirasyon mo lang sila para mag patuloy ka.
#TGIF o Thanks God Its Friday talaga kasi nalaman ko sa sarili ko na kaya ko naman palang mag-isa ay masaya naman palang walang kasama.
Comments
Post a Comment