Hindi dahil mag-isa ka ibig sabihin malungkot ka. Hindi dahil ba mag-isa ka ibig sabihin wala kang kwenta. Hindi dahil ba nag iisa ka lang ay ayaw na ng iba sayo.
May mga rason o dahilan kung bakit mas pinipili ng karamihang tao ang maging mag-isa na lamang at hindi nakikipag halobilo sa iba. Sa ganitong pag-uugali at pag-iisip ay mas nasusubok ang kanyang pagiging totoo sa kanyang sarili. Marahil sa ganitong personalidad ay mas matututo ka, mas tatapang at mas makikilala mo ang iyong sarili.
May mga rason kung bakit mas pinipiling nang isang tao ang mamuhay ng mag-isa, narito ang limang halimbawa ng mga dahilan;
1. Hindi kana mag-aalala kung ang mga tao sa iyong paligid ay magugustuhan ka o kaiinisan ka.
Maraming tao ang pinipilit na magustuhan sya ng mga kasama nya tulad ng barkada, kaklasi o namung grupo na kinabibilangan nya. Ang taong ito ay kinakaylangan pang mag-isip ng mga bagay na satingin nya ay magugustuhan ng kanyang mga kasama. Sa ganitong paraan sya ay tatanggapin sa grupo at sya ay magugustuhan ng bawat isa. Kapag ikaw ay mag-isa hindi kana mag aalala at gagawa ng anumang effort para magustuhan ka ng iba kasi minsan kahit anong effort ang gawin mo ayaw parin nila sayo at kadalasan ay pinakikitunguhan ka nga ng ibang tao kaya lang may halong kaplastikan at hindi sila totoo sayo.
2. Kadalasan, ang mga tao ay sasaktan ka pero kung umasta sila ay parang sila pa ang naapi.
Ito ang mga taong kung umasta ay parang sila lang ang nasasaktan at para saakin ito rin ang mga taong walang pasalamat na kapag humingi ng tulong sayo at kapag hindi sila na satisfied sa naibigay mong tulong ay ikaw pa ang may kasalanan at may nagawang mali. Pag sila ay umasta para kang walang nagagawa para sa kanila at kapag ikaw ang hihingi ng tulong sa kanila ay ayaw nilang tulungan ka kasi hindi sapat ang naibigay mong tulong sa kanila. Sa bandang huli ikaw pa ang mapapasama sa mga bagay na ginawa mo naman ang makakaya mo para maka tulong sa kanila. Kung mag isa ka ay walang kang iintindihin na katulad ng mga taong ito sahalip ay mas bibigyan mo ng importansya ang sarili mo at pangangaylangan mo.
3. Kung minsan kung sino pa ang mukhang drug addict o kaya ay mamamatay tao ay sila pang mas magandang pakitunguhan higit sa mga taong mukhang anghel na laging nag sisimba o laging bumibida.
Ito ang mga taong plastik, nasa loob ang kanila mga kulo at kabalastugan. Mga taong nakikita natin na laging nagsisimba, madalas sila pa ang mapag kutya sa kanilang kapwa at mga taong pabida naman at dahil lumaki ang ulo ay ayaw ng tumapak sa lupa ay gusto nila lagi silang tinitingala ng ibang tao. Mas makikita mo pa ang pagiging totoo sa mga ordinaryo at simpleng tao. Kahit na ang taong ay ang mukhang kakainin ka ng buhay ay sila pa ang taong mas makakapulot ka ng magagandang advice tungkol sa buhay at sila pa ang mag papamulat sayo ng tama o mali at tunay na kahulugan ng buhay.
4. May mga taong makikita mo ang totoo nilang kulay kapag hindi kana nila kaylangan.
Ito yung mga oras na wala silang ibang matakbuhan at option ka lang para sa kanila. Pakikitunguhan ka kapag may ipanlilibre ka sa kanila, pakikitunguhan ka kapag may ipapakain ka sa kanila at pakikitungan ka nila kapag may makukuha silang sagot sa exam. Pero pagkatapos nilang makuha ang mga bagay na gusto nila ay para silang hangin na hindi mo makita pero nararamdaman mo sila at para silang usok na maglalaho na lamang ng parang bula. Wala ka nang iisiping mga taong ganito kapag mag isa ka kasi mahihiya silang lumapit sayo dahil pag naging close ka na nila ay aabusuhin kana ng mga taong ganito ang ugali.
5. Kapag mag-isa ka mas matututo kang tumayo sa sarili mong mga paa.
Ikaw bilang isang idibidwal ay hindi kana mangangaylangan ng anumang simpatya o tulong mula sa ibang tao. Dahil alam mo sa sarili mo na kapag mag-isa ka mas nagkakaroon ka ng kumpyansa sa sarili at mas tumatatag ang iyong personalidad. Sa pagiging mag isa ay nakikita mo at nasusuri ang pagkakaiba ng lahat ng tao sa paligid mo sa ganitong paraan ay malalaman mo kung sino sino ba nag dapat pagkatiwalaan at dapat pakitunguhan ng maayos at pakisamahan.
Hindi dahil mag-isa ka ay hindi kana magiging masaya, dahil kapag mag-isa ay mas nahahasa ang personalidad mo at na kakapag explore ka ng maraming bagay tungkol sa buhay at sa mundo. Hindi dahil mag isa ka ay wala kang kwenta o pakinabang, ito ay marahil ayaw mo lang sanayin ang ibang tao na umasa sa kapwa nila. Sa way na to ay natutu ang ibang tao na tumayo sa kanilang sariling mga paa. Panghuli ay sana isipin natin na hindi dahil mag isa ka o mag isa ang isang tao ay ayaw na sa kanya ng ibang tao dahil ito ay marahil mas masaya sya kapag nakaka fufill sya ng mga bagay na walang hinihinging tulong sa iba at kaya mag isa ang isang tao ay alam nya sa sarili nya na kaya nya at may ibubuga sya.
Comments
Post a Comment