Skip to main content

Buhay Kolehiyo


First year, unang araw ng klase. Magkahalong emosyon nandiyan ang takot, saya, lungkot at syempre ang kaba. Takot, kasi bago ka pa lang mag college ay sinasabi na ng mga college studends na kakilala mo na iba ang mga teacher dito at kapag may quiz ay parang mag papa 1st quarter exam sa high school ang dating kasi napakarami at kapag nag midterms at finals mas triple pa ang dami ng mga tanong. Masaya naman nung first day kasi nasa college kana at may mga bagong kaklasi galing sa ibat ibang lugar, bagong school at syempre nandun yung feeling na sa syudad kana nag aaral. Malungkot dahil malayo kana sa mga tropa, barkada at kaklasi mo, may kanya kanya na kayong buhay at madalang mo na lang silang makita kasi iba iba kayo ng school at yung iba naman kahit pareng school lang kayo napalaliit ng tsyansang magkita kayo. Syempre hindi mawawala ang kaba, kasi hindi mo naman kakilala ang mga bago mong mga kaklasi at lalo na sa pagpapakilala dahil unang araw ng klasi.

Sa araw na ito ay naisip ko kung makaka-survive kaya ako sa college, hanggang kaylan kaya ang makakaya ko. Sana mag graduate nako para matapos na ako agad, sana malampasan ko lahat ng exam. Ang mga bagay na ito ang gumugulo sa aking isipan sa araw na iyon. Lumipas ang unang semester at ang pangalawang semester at ako ay nandito parin at nakayanan kong ipasa ang lahat ng subjects ko. Syempre nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan at syempre ka-ibigan. Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip ko angakipag relasyon sa college dahil ipinangako ko sa sarili ko na puro aral lang talaga ako at syempre pag ang pagkakataon nga naman ang dumating ay hahayaan mo pa bang lumampas sayo.

Second year, panibagong taon na nanaman. May mga bagong guro, kaklasi at panibagong semester nanaman na kaylangang lampasan. Sa semester na ito rin naranasan ang mga bagay na madalas nagpapalungkot sa akin. Sa semester na ito rin ang naging tulay upang magkabalikan kami ng aking iniibig. Ang buong semester na ito ang humubog sa akin kung paano maging matatag at paano mag tiwala sa aking sarili na kaya kong lampasan ang mga hamon ng mga nakakatakot na propesor.

Natapos na ang unang semester at pumasok na ang ikalawang semester. Ang semester na ito ang pinaka tumatak sa akin bilang isang estudyante, isang tao at isang simpleng lalaki. Naranasan ko ang mga bagay na kahit minsan ay hindi ko inaalalang mararanasan ko. Nandyan ang pagkakapanalo ko bilang Mr. Educt 2nd runner at ito ang unang beses kong pagsali sa mga ganitong patimpalak. Pati ang pagsali sa intrams ay napasukan ko rin at ako ay parte ng Swimming team ng Golden Eagle. At sa pagtatapos ng semester na ito ay sya ring pagtatapos ng buhay ko dahil pagkatapos ng ikalawang semester ay nakipag hiwalay na saakin ang mahal ko. Ang mga araw na nagdaan at lumipas ay ang pinaka madidilim na mga araw na dumaan saakin, pati ang pagkakaroon ng depresyon ay natamo ko na. Sa mid-year class ay bagsak lahat ng exam ko at salamat sa panginoon dahil kahit papaano ay may naitutulong ang m pag roroleta dahil hindi parin ako na bagsak.

3rd year, pumasok na 3rd year pero ako ay depress parin. Oo sa panahon na ito ay halos bato na ang puso ko dahil kahit nakikipag balikan na ang mahal ko ay wala lang saakin. Umabot ng dalawang buwan ang pagsusuyo nya saakin siguro ay naawa sya dahil halos wala na akong ganang pumasok. Hanggang sa dumating na lamang ang araw na naliwanagan ako at ang araw na ito ay ang unang beses ng pag-iyak ko dahil sa pag iwan nya saakin noon. Pagkatapos ng pag-iyak na yon ay gumaan ang buong pakiramdam ko, paggising ko ay sya ang unang nakita ko at naramdaman ko ulit ang pagmamahal nya at alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko parin sya.

Pumasok na ang second semester, pero ngayong ay aaminin kong wala na ulit kami pero di tulad ng dati mas maluwag ang paghiihiwalayan namin ngayon at siguro nga ay may mga bagay na hindi na maipipilit pa. Masaya naman kami sa estado ng buhay namin ngayon at nagpapansinan naman kaming dalawa at dahil may pinagsaman naman kami ng halos 2 taon ay kahit papaano magkaybigan parin kami.

Kung dati ay gusto kk nang mag graduate agad at gusto ko nang matapos ang college life ko pero ngayon parang nag baliktad ang ihip ng hangin dahil kung kaylan papalapit ang aming pagtatapos ay parang ayaw ko munang mahiwalay sa mga kaklasi ko ag lalong lalo na sa mga naging barkada at kapatid ko sa school. Minsan ay hinihiling ko na lamang na sana bumagal ang oras para mas masulit namin ang araw at oras na magkakasama pa kami.

Ngayon ay naiintindihan ko na ang kasabihan na "time is gold", bawat oras ay mahalaga kaya dapat ay sulitin natin ito upang hindi tayo mag manghinayang sa bawat sigundong lumilipas.

Comments

Popular posts from this blog

Limang dahilan kung bakit mas pinipili ng isang tao ang mag-isa.

Hindi dahil mag-isa ka ibig sabihin malungkot ka. Hindi dahil ba mag-isa ka ibig sabihin wala kang kwenta. Hindi dahil ba nag iisa ka lang ay ayaw na ng iba sayo. May mga rason o dahilan kung bakit mas pinipili ng karamihang tao ang maging mag-isa na lamang at hindi nakikipag halobilo sa iba. Sa ganitong pag-uugali at pag-iisip ay mas nasusubok ang kanyang pagiging totoo sa kanyang sarili. Marahil sa ganitong personalidad ay mas matututo ka, mas tatapang at mas makikilala mo ang iyong sarili. May mga rason kung bakit mas pinipiling nang isang tao ang mamuhay ng mag-isa, narito ang limang halimbawa ng mga dahilan; 1. Hindi kana mag-aalala kung ang mga tao sa iyong paligid ay magugustuhan ka o kaiinisan ka. Maraming tao ang pinipilit na magustuhan sya ng mga kasama nya tulad ng barkada, kaklasi o namung grupo na kinabibilangan nya. Ang taong ito ay kinakaylangan pang mag-isip ng mga bagay na satingin nya ay magugustuhan ng kanyang mga kasama. Sa ganitong paraan sya ay tatangg...

FRIDAY

Friday Bakit ka excited kapag friday? Kapag nag post ka sa facebook sabay status pa ng #TGIF o Thanks God Its Friday! Ano bang meron tuwing friday na dapat ika saya natin, dahil ba weekend nanaman at wala ng pasok kinabukasan o kaya dahil makakapag pahinga nanaman? Ako, bilang isang estudyante masaya ako dahil makakauwi ako sa amin dahil wala nanamang pasok. May time nanaman para gumala at mag walwal kasama ang mga tropa at kahit gasgas na ang lugar na laging nyong tambayan ay okay lang dahil masaya kang kasama mo sila. Saan man mapadpad ang inyong mga paa ay ayos lang dahil hindi mo ramdam ang pagod kahit malayo na pala ang inyong napuntahan. Oo, malayo na pala ang ating napuntahan, kaya siguro hindi ko na alam kung kayo ay nasaan at nagsawa na ata sa pagmumukha ng bawat isa. Ngayon ay ako na lamang mag-isa ang naglalakad sa daan, kapag kasi nag chat ang ibang tropa seen na lang palagi ginagawa nila. Gusto ko man magdiwang tuwing Friday pero di ko magawa kasi alam kong ...