Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2018

FRIDAY

Friday Bakit ka excited kapag friday? Kapag nag post ka sa facebook sabay status pa ng #TGIF o Thanks God Its Friday! Ano bang meron tuwing friday na dapat ika saya natin, dahil ba weekend nanaman at wala ng pasok kinabukasan o kaya dahil makakapag pahinga nanaman? Ako, bilang isang estudyante masaya ako dahil makakauwi ako sa amin dahil wala nanamang pasok. May time nanaman para gumala at mag walwal kasama ang mga tropa at kahit gasgas na ang lugar na laging nyong tambayan ay okay lang dahil masaya kang kasama mo sila. Saan man mapadpad ang inyong mga paa ay ayos lang dahil hindi mo ramdam ang pagod kahit malayo na pala ang inyong napuntahan. Oo, malayo na pala ang ating napuntahan, kaya siguro hindi ko na alam kung kayo ay nasaan at nagsawa na ata sa pagmumukha ng bawat isa. Ngayon ay ako na lamang mag-isa ang naglalakad sa daan, kapag kasi nag chat ang ibang tropa seen na lang palagi ginagawa nila. Gusto ko man magdiwang tuwing Friday pero di ko magawa kasi alam kong ...

Bestfriend (B/G)

"You know what, andami kong tanong na gusto kong sagutin mo. Ano na bang nangyayari sa iyo, may problema ba, basta as in madami! Yahh we're busy but it's not the reason to push me away, ignore me and forget me. Alam ko wala akong kwentang Bestfriend! Tanong ko lang may Bestfriend pa ba ako? O ako lang 'tong tangang umaasa na meron. Oo, namimiss ko lahat, closeness and everything. Atsu kumu naman lagi keni ahh! Mananu Choi!"  (Message mula kay BESTFRIEND)    Mahirap maghanap ng mga taong toto, isang taong aagapay sayo at nadyan Para maging balik na pweding iyakan. Ito yung taong maituturing mong kakambal ng bituka mo, sya yung magpapaalala sayo na kaylangan mong bumangon pag nasa baba ka at kaylangan mo tumayo pag mahina ka. Masarap magka bestfriend ng babae kung lalaki ka at lalaki naman para sa babae. Ang mga babae ay nagkakaroon ng bestfriend na lalaki kasi alam nila na ang mga lalaki ay totoo at walang drama. Kapag may bestfriend na hindi mo ka gender a...
"Iguguhit ko na lamang" Nang ikaw ay makasama anong ligaya ang nadama Lumilipad sa hangin ang aking damdamin Di mapigilan ng puso ang kumanta Pag narinig ang iyong boses na kayganda Halina sa alapaap, tayo ay mag-sama Di ko mapigilan ang sariling tumitig sa iyong mga mata Mga ngiti sa iyong labi ako ay nadadala Tunay na pag-ibig aking nadarama Mga panahon na tayo pa Mga panahon na ang saya pa Mga panahon na walang kapantay  Mga panahon na ako'y mahal mo pa Araw-araw tayong magkasama Hindi mapaghiwalay ng iba Makita ka lamang ay sapat na Dag-dag pa ang iyong mga yakap sa twina Mga araw na hindi na maibabalik Mga araw na kaylangan ng kalimutan Mga araw na pangalan mo ang tanging sambit Mga dating araw na ngayon ay wala na at dina mauulit Hanggang ngayon nais kong malaman mo  Ang tanging laman parin ng puso ko Maging mga ala-ala akoy minumulto At ayaw lumisan sa isip ko Kapag kasama ka, mundo ay di alintana ...

Limang dahilan kung bakit mas pinipili ng isang tao ang mag-isa.

Hindi dahil mag-isa ka ibig sabihin malungkot ka. Hindi dahil ba mag-isa ka ibig sabihin wala kang kwenta. Hindi dahil ba nag iisa ka lang ay ayaw na ng iba sayo. May mga rason o dahilan kung bakit mas pinipili ng karamihang tao ang maging mag-isa na lamang at hindi nakikipag halobilo sa iba. Sa ganitong pag-uugali at pag-iisip ay mas nasusubok ang kanyang pagiging totoo sa kanyang sarili. Marahil sa ganitong personalidad ay mas matututo ka, mas tatapang at mas makikilala mo ang iyong sarili. May mga rason kung bakit mas pinipiling nang isang tao ang mamuhay ng mag-isa, narito ang limang halimbawa ng mga dahilan; 1. Hindi kana mag-aalala kung ang mga tao sa iyong paligid ay magugustuhan ka o kaiinisan ka. Maraming tao ang pinipilit na magustuhan sya ng mga kasama nya tulad ng barkada, kaklasi o namung grupo na kinabibilangan nya. Ang taong ito ay kinakaylangan pang mag-isip ng mga bagay na satingin nya ay magugustuhan ng kanyang mga kasama. Sa ganitong paraan sya ay tatangg...