Skip to main content

"Iguguhit ko na lamang"

Nang ikaw ay makasama anong ligaya ang nadama
Lumilipad sa hangin ang aking damdamin
Di mapigilan ng puso ang kumanta
Pag narinig ang iyong boses na kayganda

Halina sa alapaap, tayo ay mag-sama
Di ko mapigilan ang sariling tumitig sa iyong mga mata
Mga ngiti sa iyong labi ako ay nadadala
Tunay na pag-ibig aking nadarama

Mga panahon na tayo pa
Mga panahon na ang saya pa
Mga panahon na walang kapantay 
Mga panahon na ako'y mahal mo pa

Araw-araw tayong magkasama
Hindi mapaghiwalay ng iba
Makita ka lamang ay sapat na
Dag-dag pa ang iyong mga yakap sa twina

Mga araw na hindi na maibabalik
Mga araw na kaylangan ng kalimutan
Mga araw na pangalan mo ang tanging sambit
Mga dating araw na ngayon ay wala na at dina mauulit

Hanggang ngayon nais kong malaman mo 
Ang tanging laman parin ng puso ko
Maging mga ala-ala akoy minumulto
At ayaw lumisan sa isip ko

Kapag kasama ka, mundo ay di alintana
Kapag kasama ka, mundo ay kay saya
Sana ay malaman mo na ako'y heto may pagtingin parin sayo
Tanong ko lang, mamahalin mo pa kaya ako?

Ngayon ay iguguhit ko na lamang 
Ang laman ng aking puso at isipan
Alam kong hindi na malulunasan
Ang sakit na nararamdaman

Comments

Popular posts from this blog

Limang dahilan kung bakit mas pinipili ng isang tao ang mag-isa.

Hindi dahil mag-isa ka ibig sabihin malungkot ka. Hindi dahil ba mag-isa ka ibig sabihin wala kang kwenta. Hindi dahil ba nag iisa ka lang ay ayaw na ng iba sayo. May mga rason o dahilan kung bakit mas pinipili ng karamihang tao ang maging mag-isa na lamang at hindi nakikipag halobilo sa iba. Sa ganitong pag-uugali at pag-iisip ay mas nasusubok ang kanyang pagiging totoo sa kanyang sarili. Marahil sa ganitong personalidad ay mas matututo ka, mas tatapang at mas makikilala mo ang iyong sarili. May mga rason kung bakit mas pinipiling nang isang tao ang mamuhay ng mag-isa, narito ang limang halimbawa ng mga dahilan; 1. Hindi kana mag-aalala kung ang mga tao sa iyong paligid ay magugustuhan ka o kaiinisan ka. Maraming tao ang pinipilit na magustuhan sya ng mga kasama nya tulad ng barkada, kaklasi o namung grupo na kinabibilangan nya. Ang taong ito ay kinakaylangan pang mag-isip ng mga bagay na satingin nya ay magugustuhan ng kanyang mga kasama. Sa ganitong paraan sya ay tatangg...

Buhay Kolehiyo

First year, unang araw ng klase. Magkahalong emosyon nandiyan ang takot, saya, lungkot at syempre ang kaba. Takot, kasi bago ka pa lang mag college ay sinasabi na ng mga college studends na kakilala mo na iba ang mga teacher dito at kapag may quiz ay parang mag papa 1st quarter exam sa high school ang dating kasi napakarami at kapag nag midterms at finals mas triple pa ang dami ng mga tanong. Masaya naman nung first day kasi nasa college kana at may mga bagong kaklasi galing sa ibat ibang lugar, bagong school at syempre nandun yung feeling na sa syudad kana nag aaral. Malungkot dahil malayo kana sa mga tropa, barkada at kaklasi mo, may kanya kanya na kayong buhay at madalang mo na lang silang makita kasi iba iba kayo ng school at yung iba naman kahit pareng school lang kayo napalaliit ng tsyansang magkita kayo. Syempre hindi mawawala ang kaba, kasi hindi mo naman kakilala ang mga bago mong mga kaklasi at lalo na sa pagpapakilala dahil unang araw ng klasi. Sa araw na ito ay naisip...

FRIDAY

Friday Bakit ka excited kapag friday? Kapag nag post ka sa facebook sabay status pa ng #TGIF o Thanks God Its Friday! Ano bang meron tuwing friday na dapat ika saya natin, dahil ba weekend nanaman at wala ng pasok kinabukasan o kaya dahil makakapag pahinga nanaman? Ako, bilang isang estudyante masaya ako dahil makakauwi ako sa amin dahil wala nanamang pasok. May time nanaman para gumala at mag walwal kasama ang mga tropa at kahit gasgas na ang lugar na laging nyong tambayan ay okay lang dahil masaya kang kasama mo sila. Saan man mapadpad ang inyong mga paa ay ayos lang dahil hindi mo ramdam ang pagod kahit malayo na pala ang inyong napuntahan. Oo, malayo na pala ang ating napuntahan, kaya siguro hindi ko na alam kung kayo ay nasaan at nagsawa na ata sa pagmumukha ng bawat isa. Ngayon ay ako na lamang mag-isa ang naglalakad sa daan, kapag kasi nag chat ang ibang tropa seen na lang palagi ginagawa nila. Gusto ko man magdiwang tuwing Friday pero di ko magawa kasi alam kong ...