Skip to main content

Bestfriend (B/G)

"You know what, andami kong tanong na gusto kong sagutin mo. Ano na bang nangyayari sa iyo, may problema ba, basta as in madami! Yahh we're busy but it's not the reason to push me away, ignore me and forget me.
Alam ko wala akong kwentang Bestfriend! Tanong ko lang may Bestfriend pa ba ako? O ako lang 'tong tangang umaasa na meron.
Oo, namimiss ko lahat, closeness and everything.
Atsu kumu naman lagi keni ahh! Mananu Choi!"
 (Message mula kay BESTFRIEND)

   Mahirap maghanap ng mga taong toto, isang taong aagapay sayo at nadyan Para maging balik na pweding iyakan. Ito yung taong maituturing mong kakambal ng bituka mo, sya yung magpapaalala sayo na kaylangan mong bumangon pag nasa baba ka at kaylangan mo tumayo pag mahina ka. Masarap magka bestfriend ng babae kung lalaki ka at lalaki naman para sa babae. Ang mga babae ay nagkakaroon ng bestfriend na lalaki kasi alam nila na ang mga lalaki ay totoo at walang drama. Kapag may bestfriend na hindi mo ka gender ay mas maibibigay ang totoong advice na walang halong kaplastikan. Masarap magka bestfriend kaya pag meron ka nito malalan mo ang kahalagahan ng pakikisama at mas matututo ka ng mga bagay na hindi mo alam tungkol sa ibang kasariin.
     Basta ang isang bagay na dapat iwasan kapag ang bestfriend mo ay ibang kasarian ay dapat hindi kayo mahulog sa isat-isa dahil mas masarap ang samahan kapag tumatagal. Wag kang maging makasarili sa nararamdaman mo hanggang maaari ay itago mo ang feelings mo sa bestfriend mo para hindi ito masira. Pero pag dumating ang araw na nararamdaman mong pati sya ay nahuhulog na sayo, siguro sa sa pagkakataong ito ay pwedi ka nang magtapat sa kanyan at tandaan mo na dapat tanggapin mo ang pweding maging resulta nito at maging desisyun nya.

Comments

Popular posts from this blog

Limang dahilan kung bakit mas pinipili ng isang tao ang mag-isa.

Hindi dahil mag-isa ka ibig sabihin malungkot ka. Hindi dahil ba mag-isa ka ibig sabihin wala kang kwenta. Hindi dahil ba nag iisa ka lang ay ayaw na ng iba sayo. May mga rason o dahilan kung bakit mas pinipili ng karamihang tao ang maging mag-isa na lamang at hindi nakikipag halobilo sa iba. Sa ganitong pag-uugali at pag-iisip ay mas nasusubok ang kanyang pagiging totoo sa kanyang sarili. Marahil sa ganitong personalidad ay mas matututo ka, mas tatapang at mas makikilala mo ang iyong sarili. May mga rason kung bakit mas pinipiling nang isang tao ang mamuhay ng mag-isa, narito ang limang halimbawa ng mga dahilan; 1. Hindi kana mag-aalala kung ang mga tao sa iyong paligid ay magugustuhan ka o kaiinisan ka. Maraming tao ang pinipilit na magustuhan sya ng mga kasama nya tulad ng barkada, kaklasi o namung grupo na kinabibilangan nya. Ang taong ito ay kinakaylangan pang mag-isip ng mga bagay na satingin nya ay magugustuhan ng kanyang mga kasama. Sa ganitong paraan sya ay tatangg...

Buhay Kolehiyo

First year, unang araw ng klase. Magkahalong emosyon nandiyan ang takot, saya, lungkot at syempre ang kaba. Takot, kasi bago ka pa lang mag college ay sinasabi na ng mga college studends na kakilala mo na iba ang mga teacher dito at kapag may quiz ay parang mag papa 1st quarter exam sa high school ang dating kasi napakarami at kapag nag midterms at finals mas triple pa ang dami ng mga tanong. Masaya naman nung first day kasi nasa college kana at may mga bagong kaklasi galing sa ibat ibang lugar, bagong school at syempre nandun yung feeling na sa syudad kana nag aaral. Malungkot dahil malayo kana sa mga tropa, barkada at kaklasi mo, may kanya kanya na kayong buhay at madalang mo na lang silang makita kasi iba iba kayo ng school at yung iba naman kahit pareng school lang kayo napalaliit ng tsyansang magkita kayo. Syempre hindi mawawala ang kaba, kasi hindi mo naman kakilala ang mga bago mong mga kaklasi at lalo na sa pagpapakilala dahil unang araw ng klasi. Sa araw na ito ay naisip...

FRIDAY

Friday Bakit ka excited kapag friday? Kapag nag post ka sa facebook sabay status pa ng #TGIF o Thanks God Its Friday! Ano bang meron tuwing friday na dapat ika saya natin, dahil ba weekend nanaman at wala ng pasok kinabukasan o kaya dahil makakapag pahinga nanaman? Ako, bilang isang estudyante masaya ako dahil makakauwi ako sa amin dahil wala nanamang pasok. May time nanaman para gumala at mag walwal kasama ang mga tropa at kahit gasgas na ang lugar na laging nyong tambayan ay okay lang dahil masaya kang kasama mo sila. Saan man mapadpad ang inyong mga paa ay ayos lang dahil hindi mo ramdam ang pagod kahit malayo na pala ang inyong napuntahan. Oo, malayo na pala ang ating napuntahan, kaya siguro hindi ko na alam kung kayo ay nasaan at nagsawa na ata sa pagmumukha ng bawat isa. Ngayon ay ako na lamang mag-isa ang naglalakad sa daan, kapag kasi nag chat ang ibang tropa seen na lang palagi ginagawa nila. Gusto ko man magdiwang tuwing Friday pero di ko magawa kasi alam kong ...